"There is a time for everything and a season for every activity
under the heavens."---Ecc. 3:1
Kalanggaman Island, Palompon, Leyte |
Sa Tamang Pagkakataon
Minsan pilit nating mangyari ang isang bagay
Ginagawa ang lahat ng paraan upang makamit
Ang minimithing matamis na pangarap
Ngunit di pa rin maabot.
Sa mga bagay na nais nating maabot
Hinahangad na katuparan nito
Tila malayo pa rin sa katotohanan.
Sa Tamang panahon maabot
Sa tamang panahon mararating
Sa tamang panahon matutupad
Sa tamang panahon mangyayari ang mangyayari.
Basta tandaan, ang panahon ng tao
Ay di panahon ng Diyos
Ang panahon ng Diyos ay 'di panahon ng tao.
Ang mahalaga ingatan at pahalagahan ang bawat pagkakataon.
Sa tamang pagkakataon, pagkakataon ng Diyos.
Sa Tamang pagkakataon. Sa pagkakataon ng Diyos.
Nov. 24, 2015
Saint Francis Xavier Parish (F-1784) Palompon, Leyte |
A Perfect Retreat |
Kalanggaman, comes from the Cebuano word "langgam" which means bird. |
White sand beach of Kalanggaman Island |
Day is done, but love unending---
from the Night Prayer
of the Liturgy of the Hours
No comments:
Post a Comment